Alex Maskara is Pinoy

Election Fever

 

Election Fever:Monologo 10

Asus, balik na naman ako sa kung anu-anong usapin dahil kailangan ko munang lumayo sa ka-po-program sa computer. Buti na lang at nagtatrabaho ako dahil kung hindi, malulustay lahat ng aking oras sa harap ng computer at malamang masiraan ng bait o kaya naman sa tindi ng pag-iisa ay kung anu-ano ang mapasok sa aking kukote. Lagi kong sinasabi sa aking sarilli na hinay-hinay lamang, ang buhay a 'di dapat matuon  sa iisang bagay lamang, marami pang mga ibang bagay ang puwedeng ibahagi sa 'yo ng mundo. Tulad nga ng mga nauna kong nasabi, ang pag-hack sa aking blog ay hudyat ng aking pag-kikilatis sa blogging o web designing. Ang blogging ay mahalaga sa pamamahagi ng impormasyon o paglalahad ng saloobin o mga ideya. Ang web designing at computer programming naman ay nakatuon sa disenyo at pag-aaral ng mga web sites o mga programa na konektado sa internet o computer. Siyempre may mga 'tunay' na programmers at mga 'hobbyist programmers' na katulad  ko. Para na ring manunulat - may mga seryosong manunulat at manunulat bilang isang libangan lamang. Ang mga tunay na pogrammers at seryosong manunulat ay binabayaran dahil trabaho ito sa kanila. Samantalang ang mga katulad ko ay libre o kung minsan kami  pa mismo ang gumagastos para lamang sa libangan namin. Ang aking trabaho ay sa ospital, mga pasyente ang aking ni-re-Rehab  at 'yon ang pinggagalingan ng aking kabuhayan. 

Pero kung minsan ay lubhang manipis ang linyang naghihiwalay sa libangan at trabaho. Ang pinaka-mainam sa lahat ay ang mag-trabaho sa larangan ng iyong libangan. Pero bihira itong mangyari. May kanya-kanya tayong suwerte. Ang akin ay 'di malayo sa pagiging mainam dahil mahal ko rin ang aking trabaho. Sa katunayan, kailangan ko ang aking trabaho para maibsan ang walang puknat na pag-iisa o kalungkutan sa larangan ng computer programming o panulat. Kung hindi ako nagta-trabaho, mabilis akong matukso na magkulong sa kuwarto at sunugin ang aking mga kilay sa harap ng computer. Nang walang hanggan. Sabi ko nga, ang pag-lulugmok o pagdidili-dili ay hindi maganda sa kalusugan ng isipan o katawan o sosyal na pakikitungo. Tulad ng nangyari sa akin sa mga nakaraang araw: pag-uwi mula sa trabaho ay diretso na ako kaagad sa computer at doon na ako kakain at matutulog. Pagkatapos ng mga ilang araw na ganito ay parang nag-tuyot ang aking utak. Sa totoo lang, nakakapagod rin ang pag-iisip. Kaya sa mga susunod na araw ay dadagdagan ko ang aking tulog at iiwasan ko na muna ang programming at  pipilitin kong magbasa ng mga nobelang panlibangan lamang.

At siyempre pa, maganda rin sigurong mag-masid o mag-obserba sa gaganaping eleksyon sa Pilipinas.

Sa totoo lang, sa larangan ng demokrasya, ang eleksyon ay isang paraan ng isang lipunan na suriin at pag-usapan ang kinalalagyan at kinabukasan ng kanilang lipunan. Ito ang kainaman ng demokrasya - hinahanap ang problema o kahinaan o kagandahan at  mga solusyon ng mga nakaraang taon - at wala itong tigil na masusing pinag-uusapan ng mga tao at kanilang mga kandidato. Sa bandang huli ay magkakaroon ng tinatawag na consensus.  At mga tao ang gagawa ng consensus. Ang desisyon, ang 'ideal' na desisyon, ay batay sa kung sino ang pinaka-mahusay na lider o manunungkulan na siyang 'simbolo' ng mahusay na kinabukasan ng lipunan. Ginagamit  ko  ang salitang  'simbolo' dahil, ang nalalagak sa poder ay hindi isang Superman o Tagapagligtas o isang diyos o diyosa kundi isang tagapangasiwa o kung minsan ay inspirasyon lamang ng kanyang gobyerno upang tupdin ang inaasahang magandang kinabukasan ng lipunan. 

Sa mga naunang panahon, ang Pilipino ay hindi naiiba sa mga ibang bansa - tayo noon ay pumipili ng mga datu at rajah ayon sa kanilang lakas, katalinuhan at kalinangan. Maingat sa pagpili ng lider o pinuno ang mga tribo dahil maraming awayan  sa  iba't-ibang tribo ng bansa. Ang isang tribong pumili ng hindi akmang  lider ay babagsak at ang mangyayari ay magiging alipin ang lahat ng ibang tribo  o kundi man ay mamamatay silang lahat. Kaya't hindi ko maintindihan ngayon kung bakit ang Pilipino ay mistulang lumimot sa kanyang sinaunang pamamaraan sa pagpili ng tamang lider. 


Election Fever:The Hacker

 

Whew, I hope I finally got out of the funky web site I used to have in another host. I would think the host would sort of remind me of what's going on with my website but it didn't. Darn, google had to block it because it was carrying malware. There was something odd about this website since the beginning of the year. Somebody must have had an access into it and even after I changed the passwords still had the ability to tweak the changes. I have the feeling the problem is with the web host security and not my website. I initially thought and hoped it was a prank, a fun game by some stupid virus-maker (and geek these criminals aren't) but for a working man like me who just wanted to write some brainless pieces at nights as relaxation, I never thought someone would take an interest on my outputs. Granted they managed to detroy the site the first time,  to do it the second time is quite disturbing. It makes me suspect somebody is attempting to shut down alexmaskara.com or at least, have google block it. It just makes me mad. I even emailed this stupid, obviously foreign and Asian (for all I know he's another Pinoy) about this prank and he responded about 'Oh, all you need is change the theme and it will be ok." Oh yeah, he didn't even know what he was talking about. How can someone change the theme when his stupid virus have wrecked even my access? But then, I would not take this too seriously. Honey, I have a life to live outside of these web sites. So, bear with me.  I am actually very very busy at work in the hospital saving people's lives. I hope when these criminals develop real viruses that will wreck their bodies, someone would tell them, 'Oh all you need is change your clothes and the virus will leave you.' Yeah. There is always karma.

Anyway, I gotta run.